Nakakatawa pero nakakasad yung joke na ito (buti na lang joke)
PARI: Ang mga bakla ay hindi makakapasok sa langit.
Lolita: Ok lang ‘yon Father. Doon na lang kami sa Rainbow, magslide-slide.
Which made me think. Ang mga bakla lang ang makakaisip ng ganoon. Hindi na papasukin sa langit pero nakuha pang mag-taray at lumigaya sa pag-slide sa rainbow.
Dito sa Pilipinas, sa Quezon City na lang, tabi-tabi ang gay bar. Lesbian bar, may nakita ka na?
Alam niyo ba na may mga spa at massage parlor na para lang sa mga bakla? Bongga! davah?
tara na sa Rainbow at mag-slide-slide in this particular order:
RED- Mga baklang pa-girl, operada at mukhang babae. Go, mga sisters!
ORANGE- Mga batang bakla. Slide na, mga anak!
GREEN- Mga paminta, mukhang lalaki, members ng guys4men.com. Slide na, mga pare!
YELLOW- Mga baklang may asawa at anak. You deserved to be happy. Slide na!
VIOLET- Mga baklang bisexual, dito kayo kasi alanganing red, alanganing blue. Go!
INDIGO- Mga baklang Diva at Mama. Halina mga sisters. Mama Ricky, kapit lang po mabuti. Sunod na po ako in a while.
BLUE- Mga baklang tago at ayaw umamin, dito kayo. Kahit hindi kayo umaamin, may karapatan din kayong mag-slide sa rainbow natin. Ingat lang sa pagtili at baka mabuking. Diyan kayo sa dulo para hindi mahalata ng bayan na nakikipaglaro kayo sa amin. Don’t worry, we understand. Alam ko, kawawa din kayo. Sssshhhh….[/size]
UNITED COLORS OF GAY