Itaas ng konti ang kamera phone,
I-tilt ang ulo pashugilid,
Mag-slight ng beri side view,
ipilit ng beri beri layt na ikaw ay may dimples,
and say CHEESE! =^___6=
Sino nga namang hindi makaka-distinguish sa tinatawag na "AK-kyot Angle"
Sorry nalang sa mga kaibigang dinamay ko na hanggang ngayon eh nakikitaan ko pa ng "AK-kyot Angle". Anuvah, antatanda nyo na! Nyahahaha.
Kalat na kalat na para bang virus ang pose na ‘to. Ansaya saya naman kasi talaga mag-kodakan lalo na kung mag-isa ka lang. hahaha!
Pero bakit nga ba nauuso na ang ganitong klaseng shot?, Sino bang promotor neto?, dinaig pa ang traditional na 1×1 picture.
Aminin natin na nakakadaya ang ganitong anggulo dahil magmumukha kang "KYOT".
Pero in fairness namamayagpag nanaman ang "AK-kyot Angle" kasabay ng Starbucks pose, Picture with bf pose at mga pictures na nilagyan lagyan ng mga clip arts sa gilid.
Baka naman sabihin nyo eh not guilty ako sa ideyang ‘to? Hindi no…
JARAN!
Wahahahaha!
Oo na, friendster pic. ko yan 5 years ago. Kinabog ang modeling pictures ko. Sorry naman, NAKI-USO LANG =^___6=
alam ko meron ka din nito.. kaya i-spluk mo na yan ditey bwahahaha!!!