Poll

Which food do you like?

✎ S P A G H E T T I
✎ S A L A D

Author Topic: ʕ•́ᴥ•̀ʔっ Holy Knights (Official Thread since ²°¹²) ☠ ☠ ☠  (Read 252267 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

Offline angelSIDE

  • Mijung Level 1
  • *****
  • Posts: 2874
  • ∀ngeL in-name ♈♆✖✡✪★☆✙☆★✪✡✖♆♈ ÐeviL in-game
    • View Profile
    • Holy Knights' Dark Queen
  • Char 1: Holy Knights
  • Char 2: Dark
  • Char 3: Queen
Re: ✈ Chevaliers Sain✞s
« Reply #2265 on: 09 May 2012 à 08:24:20 »
reserved 6
ɐɳǥɘℓƧƗƊƎ

Offline angelSIDE

  • Mijung Level 1
  • *****
  • Posts: 2874
  • ∀ngeL in-name ♈♆✖✡✪★☆✙☆★✪✡✖♆♈ ÐeviL in-game
    • View Profile
    • Holy Knights' Dark Queen
  • Char 1: Holy Knights
  • Char 2: Dark
  • Char 3: Queen
Re: ✈ Chevaliers Sain✞s
« Reply #2266 on: 09 May 2012 à 08:24:37 »
reserved 7
ɐɳǥɘℓƧƗƊƎ

Offline angelSIDE

  • Mijung Level 1
  • *****
  • Posts: 2874
  • ∀ngeL in-name ♈♆✖✡✪★☆✙☆★✪✡✖♆♈ ÐeviL in-game
    • View Profile
    • Holy Knights' Dark Queen
  • Char 1: Holy Knights
  • Char 2: Dark
  • Char 3: Queen
Re: ✈ Chevaliers Sain✞s
« Reply #2267 on: 09 May 2012 à 08:24:56 »
reserved 8
ɐɳǥɘℓƧƗƊƎ

Offline angelSIDE

  • Mijung Level 1
  • *****
  • Posts: 2874
  • ∀ngeL in-name ♈♆✖✡✪★☆✙☆★✪✡✖♆♈ ÐeviL in-game
    • View Profile
    • Holy Knights' Dark Queen
  • Char 1: Holy Knights
  • Char 2: Dark
  • Char 3: Queen
Re: ✈ Chevaliers Sain✞s
« Reply #2268 on: 09 May 2012 à 08:25:10 »
reserved 9
ɐɳǥɘℓƧƗƊƎ

Offline angelSIDE

  • Mijung Level 1
  • *****
  • Posts: 2874
  • ∀ngeL in-name ♈♆✖✡✪★☆✙☆★✪✡✖♆♈ ÐeviL in-game
    • View Profile
    • Holy Knights' Dark Queen
  • Char 1: Holy Knights
  • Char 2: Dark
  • Char 3: Queen
Re: ✈ Chevaliers Sain✞s
« Reply #2269 on: 09 May 2012 à 08:25:29 »
reserved 0
ɐɳǥɘℓƧƗƊƎ

Offline angelSIDE

  • Mijung Level 1
  • *****
  • Posts: 2874
  • ∀ngeL in-name ♈♆✖✡✪★☆✙☆★✪✡✖♆♈ ÐeviL in-game
    • View Profile
    • Holy Knights' Dark Queen
  • Char 1: Holy Knights
  • Char 2: Dark
  • Char 3: Queen
Re: ✈ Chevaliers Sain✞s
« Reply #2270 on: 09 May 2012 à 08:25:51 »
reserved 1
ɐɳǥɘℓƧƗƊƎ

Offline angelSIDE

  • Mijung Level 1
  • *****
  • Posts: 2874
  • ∀ngeL in-name ♈♆✖✡✪★☆✙☆★✪✡✖♆♈ ÐeviL in-game
    • View Profile
    • Holy Knights' Dark Queen
  • Char 1: Holy Knights
  • Char 2: Dark
  • Char 3: Queen
Re: ✈ Chevaliers Sain✞s
« Reply #2271 on: 09 May 2012 à 08:26:06 »
reserved 2
ɐɳǥɘℓƧƗƊƎ

Offline angelSIDE

  • Mijung Level 1
  • *****
  • Posts: 2874
  • ∀ngeL in-name ♈♆✖✡✪★☆✙☆★✪✡✖♆♈ ÐeviL in-game
    • View Profile
    • Holy Knights' Dark Queen
  • Char 1: Holy Knights
  • Char 2: Dark
  • Char 3: Queen
Re: ✈ Chevaliers Sain✞s
« Reply #2272 on: 09 May 2012 à 08:26:21 »
reserved 3
ɐɳǥɘℓƧƗƊƎ

Offline angelSIDE

  • Mijung Level 1
  • *****
  • Posts: 2874
  • ∀ngeL in-name ♈♆✖✡✪★☆✙☆★✪✡✖♆♈ ÐeviL in-game
    • View Profile
    • Holy Knights' Dark Queen
  • Char 1: Holy Knights
  • Char 2: Dark
  • Char 3: Queen
Re: ✈ Chevaliers Sain✞s
« Reply #2273 on: 09 May 2012 à 08:26:37 »
reserved 4
ɐɳǥɘℓƧƗƊƎ

Offline angelSIDE

  • Mijung Level 1
  • *****
  • Posts: 2874
  • ∀ngeL in-name ♈♆✖✡✪★☆✙☆★✪✡✖♆♈ ÐeviL in-game
    • View Profile
    • Holy Knights' Dark Queen
  • Char 1: Holy Knights
  • Char 2: Dark
  • Char 3: Queen
Re: ✈ Chevaliers Sain✞s
« Reply #2274 on: 09 May 2012 à 08:26:55 »
reserved 5
ɐɳǥɘℓƧƗƊƎ

Offline Chevaliers Saints

  • Kasatriya Level 2
  • *
  • Posts: 37
  • HK - Primera Palabra
    • View Profile
Re: ✈ Chevaliers Sain✞s
« Reply #2275 on: 09 May 2012 à 08:28:10 »
HK myth



Chapter 1 - Ang Hari    


      Ng pasimula ay kaliwanagan at kadiliman lamang. Si Nahj, ginawa n'ya ang mundo ng TANTRA at ang 5 Kala na s'yang nagpapanatili ang balanse at kaayusan, ito rin ang bagay na makapag hihiwalay sa mga Tao at Diablo/Halimaw.

Ang mga tao ang nahahati sa 4 na uri:
Deruda - mahusay sa paggamit ng elemento ng kalikasan at mahika / 4-5ft
Arahas - mahusay na mangangaso, mandirigma, taga gawa ng sandata
Yakava - kayang gawing sandata ang katawan, may alam sa panggagamot / uri ng gamot
Gamra - may taas na 7-9ft mahusay sa larangan ng palakasan

Halimaw - nilalang na iniiwasan dahil sa mapanganib ang mga ito
Diablo - malakas na uri ng halimaw

     Naging mapayapa ang Tantra makalipas ang maraming taon, sa pamumuno ng Haring Brahma naging payapa at maayos ang pamumuhay ng mga tao dahil sa kanyang pangangalaga ang 5 Kala na malapit sa trono ng kanyang palasyo. May 2 s'yang anak ito ay sina Prinsesa angelSIDE (20) at Prinsesa EUPHEMIA (14).
Isang araw ay may 'di inaasahang panauhin ang palasyo..... . .   .     .

KhEmpOi [kawal]: Kamahalan, ipagpaumanhin n'yo po. Si Haring Shiva ay nasa labas ng pintu-an                                           ng palasyo..... .. Papapasukin po ba s'ya?
H-Brahma: Sige kawal iharap mo s'ya sa akin.
H-Shiva: Kamahalang Brahma, ako ay naparito upang huminge ng tulong sa iyong mahusay na mandirigma dahil nilulusob ng mga Halimaw ang aking kaharian.
H-Brahma: Paano mangyayari 'yon eh... nasa maayos na pangangalaga ang 5 Kala.
H-Shiva: Totoo ang sinasabi ko Haring Brahma, pwede kang sumama para makita mo ang kaguluhan sa aking kaharian.
H-Brahma: Oh...Sige,, Sige,, magpapadala ako ng mga tauhan upang tumulong sa paggapi ng mga Halimaw.
H-Shiva: Maraming salamat kamahalan!
H-Brahma: Kagalakan ko ang makatulong sa nangangailangan.
H-Shiva: Aabutin ng 1 araw ang paglalabay patungo sa aking kaharian, kaya kung mararapatin n'yo ay dito muna ako mgpapalipas ng gabi sa kastilyo. (nakaluhod sabay yuko sa harap ng hari)
H-Brahma: Ihanda ang engrandeng hapunan mamaya para sa Haring Shiva.

     Kinagabihan, masaya ang lahat na kumamakain, nag-iinuman at nagkakantahan. Nabighani ang Haring Shiva sa kagandahan ng anak ng hari kaya masayang nagkwentuhan sila ni angelSIDE. Lingid sa alam ng marami si haring Shiva ay may maitim balak at gustong mghari sa buong Tantra. Ginamitan sila ni Haring Shiva ng mahikang pampatulog.


     Kinaumagahan (nagkakagulo ang buong kaharian). Nagising sa ingay si Haring Brahma mula sa mahimbing na pagkakatulog.

H-Brahma: Anong nangyayari.
MAXICARE [taga-silbe]: Kamahalan, nawawala po ang aming Prinsesa angelSIDE.
H-Brahma: Hanapin n'yo sya!!!! Saan s'ya nagtungo?
KhEmpOi: Kamahalan, nawawala po ang 5 Kala ng ating kaharian, kinuha po ito ng Haring Shiva ginamitan niya po tayong lahat ng mahikang pampatulog, pati po ang prinsesa ay kanyang dinukot.
H-Brahma: Ipatawag ang mensahero!! (pagalit na sabi ng hari)

     Kasabay ng pagkawala ng 5 Kala ay nagsilabasan ang mga Halimaw na nakakulong sa mga Dugeons sa buong lugar ng Tantra.
Pinatawag ng Haring Brahma ang mensaherong si boysunkit upang tipunin at hanapin ang mga mahuhusay at malalakas na tao sa buong kahari-an upang iligtas ang prinsesa at ibalik ang 5 Kala ng kaharian............. . .         .             . 




to be continued......








 

Offline Chevaliers Saints

  • Kasatriya Level 2
  • *
  • Posts: 37
  • HK - Primera Palabra
    • View Profile
Re: ✈ Chevaliers Sain✞s
« Reply #2276 on: 09 May 2012 à 08:28:22 »
Chapter 2

ANG MENSAHE


   Sa kastilyo ay kinausap ng Haring Brahma ang mensahero.

boysunkit: Kamahalan, ikinalulugod kong sundin ang anumang iyong iutos sa akin.
H-Brahma: 'Di naman siguro lingid sa iyong kaalaman ang nangyayari ngayon sa buong kaharian, nawawala ang 5 Kala at pati ang aking anak na si angelSIDE. Pinatawag kita upang hanapin mo ang mga mahuhusay at malalakas na tao sa pakikipagdigma at may kakayahang gampanan ang misyong iaatang sa kanila. Pumunta ka sa bayan ng Mandara at hanaping mo ang Heneral Apvas upang iparating sa kanya ang aking mensahe.

(Si Heneral Apvas ay isang mahusay na mandirigma na namuno sa pakikipaglaban sa Demonyong si Mara nung binalak n'yang sakupin ang buong kaharian.)

boysunkit: Masusunod po kamahalan! (dala-dala ang kasulatang inabot sa kanya ng hari ay umalis ito palabas ng palasyo)

Sa bayan ng Mandara ay dali-dali s'ya naparoon sa bahay ni Heneral Apvas.

boysunkit: Heneral Apvas may mensaheng pinaaabot ang mahal na hari sa iyo (binigay ang kasulatan sa heneral).
Hen-Apvas: Bakit ano ang nangyari sa palasyo? (binasa agad ang kasulatan at biglang napa-isip ang heneral) Hmmmmmmm..... ako'y matanda na at uugod-ugod, hindi ko na kayang makipagdigma gaya ng dati sa kalagayan kong ito. Kaya, kung mararapatin isama mo ang aking kaisa-isang anak na si Reachz(15) s'ya ang nagmana ng aking kakayahang humawak ng espada at husay sa pakikipagdigma.
Reachz: Aking Ama; hindi ko alam kung kakayanin ko!! Asahan n'yu na lahat ay handa kong kayanin para sa kapayapaan ng buong Tantra.
boysunkit: Sige, Reachz samahan mo ako sa aking paghahanap ng mga mandirigma ng ating palasyo na bubuo sa misyon.

     Umalis ang at inunang tinahak ang ang Kanlurang bahagi ng Mandara at nakarating sa kagubatan. Doon nila nasalubong ang dalawang mangangasong ARAHAS sina DualWeilder at Zwei. Sumang-ayon ang dalawa  na sumama upang maghanap pa ng kasamahan.
      Papunta na sila sa Hilaga at abot tanaw nila ang dalawang babaeng YAKARVA na nakikipaglaban sa mga halimaw na ahas "BOA", at ito ay tinulungan nila, pasamantalang nagsipag-alisan ang mga BOA. Pinaabot ng mensahero ang pangyayari, hindi naman nagdalawang-isip sina KURKUR at QueenOfJoke.
      Nagtungo ang grupo sa Coloseum kung saan doon sila makakakita ng mga taong makakasama nila. (Ang Coloseum ay lugar kung saan nagtutunggali ang mga lalahok at sa lalagitnaan ng palakasan aypumipili sila ng mga taong papatay sa nakakulong na Diablong Libertine.) Tamang-tama lang ang pagdating nila dahil sa kamamatay lang ng Libertine; ito ay napatay nila "KhoyKhoy, 1stBLoocl, PERSEUS, KeonzZaga at phampee" sila ay mga GAMRA.

KURKUR: hayaan ninyong ako na lang ang kakausap sa kanila.
boysunkit: Sige ikaw na ang bahala.

     Sumang-ayon ang 5 GAMRA sa misyon. Kaya sumama sila sa grupo palabas ng Coloseum. Palabas pa lamang sila nung nakasalubong nila ang taong humuli sa Libertine ito ay nagngangalang lNakedlFace na isang DERUDA, guto n'ya ring sumama kaya sumang-ayon ang lahat.
     Pabalik na ang mensahero at mga kasamahang mandirigma nung napadaan sila sa bukid nang makita ang magkaibigang Maximum at SPERMBANK, umayon ang dalawa sa sinabi ng mensahero. Patuloy silang naglakad patungo sa kaharian, dala ng mensahero ang 13 na mga mandirigma.


ipagpapatuloy........ . .   .   .  .

Offline Chevaliers Saints

  • Kasatriya Level 2
  • *
  • Posts: 37
  • HK - Primera Palabra
    • View Profile
Re: ✈ Chevaliers Sain✞s
« Reply #2277 on: 09 May 2012 à 08:28:33 »
CHAPTER 3

Ang Holy Knights

      Sa kaharian ni Haring Brahma, tanaw n'ya mula sa malayo ang mensahero at ang mga kasamahan n'ya.
H-Brahma: Buksan ang pintuan ng aking palasyo!
(binuksan ng kawal ang malahiganteng pintuan)
      Pumasok ang mensahero at ang mga kasamahan nito.
boysunkit: Kamahalan, narito po ako, kasama ang mga mahuhusay na mandirigma na handang sumagip sa prinsesa at magbalik sa 5 nawawalang mga Kala.
H-Brahma: Mabuti; kailangan ko ng isang taong mamumuno sa inyong paglalakbay.
(Nag-usap ang mga mandirigma.)
Reachz: Mahal na Hari, ako po ang nag-iisang anak ng Hen. Apvas, wala po akong kakayahang mamuno. Para po sa aming lahat napagdesisyunan namin na si KhoyKhoy isang GAMRA my katangian s'yang mamuno sa namin dahil my karanasan siya sa pakikidigma.
H-Brahma: Ikaw GAMRA, inaatang ko sa iyo ang pamumuno sa aking mga mandirigma na tatawaging Holy Knights. Kayo ang ina-atangan kong sumagip sa aking anak at magbalik ng mga Kala.
KhoyKhoy: Kamahalan!!! Gagawin ko lahat ng aking makakaya upang pangalagaan ang aking mga nasasakupan.
(Sumigaw ng malakas.) "Mga Holy Knights dumating na ang takdang panahon upang patunayan natin sa ating sarili na tayo ay karapatdapat."
Maximum: Mabuhay ang Haring Brahma!
Holy Knights: (sumigaw lahat) MABUHAY! MABUHAY!!!!
         Patakbong pumunta sa trono ng kanyang ama si Prinsesa EUPHEMIA.
EUPHEMIA: Ama, kung iyong mararapatin; gusto kong sumama upang sagipin ang aking kapatid at para na rin sa kinabukasan ng Tantra.
H-Brahma: Sige anak, patunayan mo sa lahat na ikaw ay anak ng ko!
Reachz: Kamahalan, handa po akong magbuwis ng aking buhay para sa prinsesa.
EUPHEMIA: Salamat po ama.
H-Brahma: Humayon na kayo mga Holy Knights, ang buong kaharian ay naghihintay sa inyong tagumpay.
KhoyKhoy: Malakas na nagsalita (Mag-impake na ang lahat, pagsikat ng araw sa umaga tayo'y maglalakbay.)

         Madaling lumipas ang oras sa gabi at kinaumagahan ay isa-isa silang nagsipagdatingan ang mga Holy Knights sa labas ng pintuan ng palasyo.
         Si Reachz, ang naunang dumating, sinundan ito nila KURKUR at QueenOfJoke.
KURKUR: Hmmm... ang aga mo Reachz ah!
Reachz: Maging maaga at handa sa lahat ng oras ...  :lol: hahaha!
QueenOfJoke: May ganun!?  :saint1:
         Dumating si Zwie at DualWielder.
Zwie: Nandito na pala kayo  :g20:
Reachz: OO naman, Oh, ayan na pala si lNakedlFace.
lNakedlFace: Kala ko ako na ang nahuli..  :g201r:
         At nagsipagdatingan na rin ang iba. Ilang sandali ay bumukas ang malaking pintuan at lumabas ang prinsesa. (Ang lahat ay napahanga sa ganda at tapang ng Prinsesa EUPHEMIA.)
Reachz: Kamahalan......  :g186:
EUPHEMIA: Pasensya sa paghihintay.
        Sa wakas magsisimula na ang paglalakbay ng mga Holy Knights at sila ay patungo sa lupaing pinamumugadan ng mga Halimaw ang Lupain ni Mara.




to be continued..........     .        ...

Offline Chevaliers Saints

  • Kasatriya Level 2
  • *
  • Posts: 37
  • HK - Primera Palabra
    • View Profile
Re: ✈ Chevaliers Sain✞s
« Reply #2278 on: 09 May 2012 à 08:28:46 »
CHAPTER 4

Mara Land (Story Line)

        Sa Timog-Silangang bahagi ng Mandara ay may isang lugar na iniiwasan nino man. Dahil sa hindi ito naaabot ng sikat ng araw at lubhang mapanganib tumahak sa Lupain ni Mara. Tinawag ito sa ilalim ng pangalan ni Mara, sapagkat ito ay naging kuta ng Demonyong Mara noong naghahanda s'yang sakupin ang buong kaharian may 30 taon na ang nakalipas. Sabi ng mga nakakatanda ay pinamumugadan ito ng mga  mababangis at galang mga halimaw na naging alipin ni Mara.

Ang Tribu

      Pagsikat ng araw ay nagsimula ang paglalakbay ng mga Holy Knights.
KhoyKhoy: Bilang bahagi at taga-panguna sa ating grupo, ay kailangan ko ang pakikiisa at kooperasyon ninyong lahat. Una tayong pupunta sa Lupain ni Mara upang hanapin ang lagusan ng Dungeon.
DualWielder: Anu daw!? Narra!!..
Zwie: Mara... Lupain ng Demonyong si Mara...
EUPHEMIA: DEMONYO!!? (nagulat)
Reachz: H'wag kang mag-alala aking Prinsesa, ako ang iyong tagapagtanggol.
QueenOfJoke: tumahimik ka nga Reachz, baka ikaw pa ang unang tumakbo dyan pag-nakita si Mara..  :lol: hahaha!
KhoyKhoy: Tama na yang pagtatalo, basta maghanda lang kayo sa anumang panganib.

               At naglakbay ang mga Holy Knights, dumaan sila sa 8 mga bundok at sa 11 na mga ilog at sapa. Hanggang sa napa daan sila sa isang tribu na ayaw sa mga dayo sa kanilang nasasakupan.
Reachz: Dapat ako lagi ang nasa unahan sa ating paglalakad upang magabayan at maprotektahan ko ang aking Prinsesa.
QueenOfJoke: Ayan na naman ang magiting na prinsipe  :lol:
"Habang naglalakad si Reachz ay nakatalikod, nakaharap naman ito sa mga kasamahan, natapakan n'ya ang isang patibong ng tribu at nabitin siya sa isang lambat sa malaking puno."
lNakedlFace: Isang ... patibong.......??
KhoyKhoy: Reachz! OK ka lang ba dyan?
Reachz: Sa tingin n'yu OK ba ako dito!? Ibaba ninyo ako..  :mad:
QueenOfJoke: Yan, ang swerte naman ng prinsipe  :lol:
PERSEUS: Teka lang. "Nilabas ang palakol at inihampas ito ng isang beses sa puno at ito'y natumba".
Reachz: Salamat PERSEUS  :g20:
PERSEUS: Walang anuman!
SPERMBANK:sifflet: Tahimik muna!
KURKUR: Bakit!?
SPERMBANK: Hindi n'yo ba napapansin!? Lubhang napakatahimik ng gubat na 'to... ni huni ng ibon wala kang maririnig.
lNakedlFace: OO nga nahalata ko rin yan kanina pa.
KhoyKhoy: Maghanda kayo Holy Knights, may mga kalaban.

      Napalibutan sila ng mga mandirigma ng tribu, humigit 100 ang dami nila at unti-unting nagsilabasan ang mga ito mula sa mga damo at taas ng puno. Nagsalita ang lider ng tribu.
MsGrim001: Kami ang †rjbU_UnO at kami ang nagmamay-ari sa lupaing ito. Makakadaan lang kayo kung isusuko ninyo lahat ng sandatang dala n'yo.
Rudeboy: Pinuno, kasama nila ang magandang prinsesa pwede natin s'yang gawing bihag at alipin. (pabulong na sinabi sa lider)
MsGrim001: Sandata.....(nakatitig kay EUPHEMIA) at ang prinsesa na inyong kasamahan (sabay turo sa prinsesa)
KhoyKhoy:cool2: (nakangiti at pabulong na sinabi sa mga kasamahan) Mukhang mapapalaban tayo sa mga ito.
Maximum: Ang dami naman nila.
lNakedlFace: Subukan lang nila...
1stBLoocl: Ipapakain ko sa kanila ang aking sibat.
KhoyKhoy: Hindi natin isusuko ang prinsesa. Ilabas ang mga sandata (sumigaw).
MsGrim001: Tsk... tsk.... tsk... matigas kayo ha!? (galit na nagsalita) Ibigay sila lahat kay kamatayan.. (Sumigaw at inatake ng †rjbU_UnO ang mga Holy Knights)

"Nagsimula na ang madugong sagupaan ng 120 †rjbU_UnO at 14 Holy knights."

       Sa pangunguna ni KhoyKhoy, nilabas ng mga GAMRA ang kanilang mga sibat at palakol, at nagsilabasan rin ng sandata ang ibang Holy Knights.
       Si SPERMBANK nilabas ang kanyang pana at mabilis na pinakawalan ang mga palaso at isa-isa nitong tinamaan ang mga kalaban na nakakubli sa itaas ng mga puno. Naging sandata nila Maximum, KURKUR at QueenOfJoke ang guwantes sa kanilang mga kamao sapagkat sila ay mga YAKAVA. Espada naman ang naging sandata nila Reachz, DualWielder at Zwie, isa-isa rin nilang pinapatay ang mga kalaban at nabahiran ng maraming dugo ang kanilang kasuotan. Apoy ang lumabas sa yantok na hawak ni lNakedlFace na lubhang lumaanap ito, nasunong ang buong kagubatan kasabay nitong nasunong ang mga kalaban. Gumamit naman si EUPHEMIA ng isang mahika na panang yelo. Halos madurong ang bungo ng mga taga †rjbU_UnO sa hagupit ng sibat na inihampas ng 5 GAMRA sa kanila. Nagkalat ang ma patay sa paligid at naging abo ang iba sa apoy. Nagka-enkwentro si Rudeboy at 1stBLoocl, sibat laban sa sibat hinampas ni Rudeboy si 1stBLoocl ngunit ito'y naka ilag agad ng mahusay. Pa-ikot na hinampas ni 1stBLoocl ang kalaban sa leeg, sa sobrang lakas nito ay napugutan ng ulo si Rudeboy. Dugu-an na nakahandusay ang lider ng †rjbU_UnO na si MsGrim001 ng ito ay binugbog sa suntok ni KURKUR.
         Tuluyang nagapi ng mga Holy Knights ang †rjbU_UnO sa 6 na oras na bakbakan. Nagsalita ng matamlay ang dugu-ang pinuno ng tribu.
MsGrim001:  Si.... Haring Shiva ang nag-utos sa amin na pigilan ang mga Holy Knights.
EUPHEMIA: Huh!!? Sabihin mo sa akin kung may kasama si Shiva nung nakita mo siya!?
MsGrim001: OO.... isang walang malay na babae.. at patungo sila sa Lupain ni Mar... . . (at pumanaw ang lider)

       Dahil sa impormasyong nakuha ay nagpatuloy ang mga Holy Knights sa kanilang paglalakbay patungo sa Lupain ni Mara. Napadaan sila sa nasusunog na bayan at doon nila makikilala ang binatang nagngangalang  35thAnivesary.





ipagpapatuloy....

Offline Chevaliers Saints

  • Kasatriya Level 2
  • *
  • Posts: 37
  • HK - Primera Palabra
    • View Profile
Re: ✈ Chevaliers Sain✞s
« Reply #2279 on: 09 May 2012 à 08:28:58 »
CHAPTER 5 - (Ang Paglalakbay)       




         Matapos ang madugong labanan ng taga tribu at mga Holy Knights ay nagpasya silang ipagpatuloy agad ang kanilang paglalakbay patungo sa Lupain ni Mara. Dumaan sila sa napakalawak na disyerto nang makasalubong nila ang isang dosenang karwahe na hila-hila ng tig-apat na kabayo. Ang mga ito ay papalapit sa kanila. Napatigil ang mga ito at lumabas ang isang babaeng DERUDA na nagmamay-ari ng lahat ng karwahe.

KeonzZaga: Kalaban!?
lNakedlFace: Sandali lang mga kasama!! (pinigilan ang mga Holy Knights na ilabas ang kanilang sandata).
DualWielder: Sino ka!?
phampee: Bakit tumigil ang mga karwahe?
KhoyKhoy: Ano ang iyong pakay binibini?
Jada02: Ako si Jada02, isa akong manlalakbay at ang aking mga tauhan.
Reachz: Bakit ka napatigil Bb. Jada02?
Jada02: Isa ako mamumuhunan mula sa malayong kaharian, nagbebenta ako ng mga kasuotang pandigma at mga natatanging mga sandata.
EUPHEMIA: Pwede bang bumili?
Jada02: OO, kapalit nito ay Rupiah.
lNakedlFace: Pwede po bang makita?
Jada02: Pwedeng pwede (at pinabuksan sa mga tauhan ang takip ng mga karwahe)
KURKUR: WOW!! puro bago.
SPERMBANK: Ngayon lang ako nakakita ng ganyang kagandang pana.
KhoyKhoy: Cge, pumili na kayo ng mga sandatang gagamitin natin.
Jada02: Halos lahat ng kagamitang yan ay puro bago, kaya pumili lang kayo.

       At ganun nga ang nangyari bumili ang mga Holy Knights kay Jada02.

PERSEUS: Salamat, Bb.Jada02.
Jada02: Salamat rin sa Rupiah mga Holy Knights (nagpaalam na, at umalis)
Jada02: Ako'y aalis na at malayo pa ang aking lalakbayin.

       Nagpasyang magpalipas sila ng gabi sa disyerto. Abot tanaw nila sa likod ng bundok mula sa malayo na parang nasusunog ito.

DualWielder: Tingnan n'yo!
QueenOfJoke: Huh!?
DualWielder: May sunog ata sa likod ng bundok.
Reachz: OO nga, diba dadaan tayo bukas dyan Khoy?
KhoyKhoy: OO kaya matulog na kayo at maaga pa tayong aalis!
EUPHEMIA: Ano kaya ang nangyari doon!?
KhoyKhoy: Hindi ko alam! Magpahinga na kayo.
KURKUR: Good night guys.
Reachz: Gudnyt aking prinsesa.
QueenOfJoke: Matulog ka na nga Reachz at managinip na ikaw ang prinsepe  :lol: (nakitawa ang lahat)

Kina umagahan......   .      .

Zwie: Mahal na prinsesa, gumising na po kayo.
EUPHEMIA: Aalis na ba?
Zwie: Opo kamahalan!

         Muling naglakbay ang mga Holy Knights patungo sa bundok na tinupok ng apoy kagabi. Nang makarating sila doon ang lumantad sa kanila ang uling at abong munting bayan.

Maximum: Kahit saan tayo tumingin ay pawang uling.
Reachz: OO nga.
lNakedlFace: Tingnan ninyo may tao! (nakaturo sa isang bahay)
phampee: Saan?
1stBLoocl: Nakita ko s'ya Dual at Zwie habulin n'yu!
Zwie: Huli ka!! (ginamitan ng chaya)
DualWielder: Mahusay Zwie. Wag ka ng pumalag. (dumating ang mga kasamahan)
KhoyKhoy: Sino ka?
35thAnivesary: Ako si 35thAnivesary sinalakay ng mga halimaw ang aming munting bayan kagabi. Binabato nila nang nag-aapoy na mga bato. Kung nasa ayos lang sana ang 5 Kala hindi mgkakaganito.
KhoyKhoy: Kaibigan, yan ang aming misyon na muling ibalik ang mga Kala sa ayos, papunta kami sa Lupain ni Mara upang hanapin ang lagusan papunta sa Dungeon.
35thAnivesary: Lupain ni Mara kamo!?? Alam ko ang daan patungo doon kaya ko kayong gabayan.
KhoyKhoy: Cge, magiging malaking tulong ka 35th! Sumama ka sa amin at maging myembro ng Holy Knights.

Sumama si 35thAnivesary sa paglalakbay ng mga Holy Knights. Sa tulong n'ya nakarating na sila sa wakas sa tinatawag na Lupain ni Mara.



to be continued...........      .      .                .

 

PLANETHOSTER HEBERGEMENT Multi-Sites + Sites illimités + 100% isolés Espace disque illimité